Samantha Paguinto, Pebrero 29, 2024
Litrato mula sa blogspot.com
"Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan at ang hustisya ay para lang sa mayaman. Di matatapos itong gulo" ito ang lyriko sa kantang tatsulok ni Bamboo Mañalac. Totoong
ang hustisya ay para lang sa may kaya at hindi kailan man na mabibigay sa mahihirap. Bakit ba palagi nalang sila? Hindi ba talaga maaring ibigay ang hustisya sa normal na taong walang hinangad kundi ang mapanigan dahil nasakanya ang katotohanan.
Ano ang mararamdaman mo kung ang isang tao na hindi mo kilala ay mag sasabi ng pangako sayo, ipapakita niya na lahat ay nasa kanya na at wala ka ng hahanapin pang iba, pero sa huli lahat ng to mawawala na parang bula, lahat ng pangako niya ay inilista sa tubig at pinaagos niya sa kawalan.
Isa kang politikong walang awang kumukuha ng pondo. Pangako mong tutulungan ang nasa kanlungan, kinalimutan mo ng walang pag aalin langan. Pano na ang mga pinangakuan mo ng magandang pamumuhay na hanggang ngayon ay kanilang hinihintay ngunit wala silang natatanggap kundi ang kasinungalingan.
Itigil na ang walang awang pangunguha ng pangarap sa mga kabataan at mag silbi kayong mabuting ehemplo sa karamihan. Ipakita mo ang pangako mong para sakanila. itatag mo ang paaralan na mag sisilbing silungan ng kabataan na hinihintay ang pangako mong susubaybayan at tutulungan sila.
ความคิดเห็น