top of page

Pagbalot ng Dilim

niwrsm4

Alexandra Sagum, Pebrero 29, 2024

Litrato mula sa google.com


Ano na nangyari sa aking bahaghari? Tila ba’y unti-unti itong nawawalan ng kulay. Ang buhay ay parang nababalot na ng lungkot at dilim. Ang dating saya ay napalitan na ng lungkot at pagdurusa.


Naka-upo sa sulok, habang nakatingin sa litrato ko ng ako’y bata pa, ito’y punong-puno kulay at saya. Ako’y tuloy na pa-isip, kung saan kaya napunta ang mga ngiting kay tamis. At paano ako nakapunta sa puntong ito? Marami naman akong kaibigan, ngunit bakit pakiramdam ko, ay nag-iisa lang ako sa mundong mapanakit. Ako ba ay talagang malungkot o marahil ako’y naghahanap ng makakaintindi sakin? Minsan ang mga tao ay nakakahanap ng taong kayang tanggapin kung ano sila, at kinakinkinggan sila nang hindi sila hinuhusgahan.


Mag-isang lumalaban sa tahimik na laban. Kalangitan na nabalot ng dimi ng kalungkutan. Ang pagtakas sa katotohan ay ang iisang sagot, para makalaya sa dilim. Kaya ako’y tumakbo ng tumakbo hanggang makakita ang ng liwanag. Ngunit lingid sa aking kaalaman, ang linawag na yun, ay isang patibong na papunta sa malalim na tubig ng pagdurusa at kalungkutan.


Sa paglipas ng panahon unti-unti akong natutong lumangoy at tanggapin ang katotohanan na ang buhay ay hindi lagi tungkol sa kulay. Subalit sa totoo ang buhay ay tungkol sa paano ka bumangon at bumawi. Sabi nga ni Dory “Just keep swimming”. Pagkakaroon ng pag-asa na kailangan natin upang maabot ang ating layunin; upang lalong maging malakas, at matatag sa mga oras ng kadiliman. Huwag sumuko, dahil sa bawat pagsubok na iyong pinagdadaan ay isang aral para mas maging malakas at matuto. At magiging daan para sa masaya at matiwasay na buhay.


1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


ParaKnows Corporation. All Rights Preserved

bottom of page