Elaiza Lapuz, Pebrero 29, 2024
Litrato mula sa www.msn.com
Nabawi na ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang Official Facebook Page matapos itong mahacked noong Lunes.
Sinabi ng PCG na nakuha nila ang buong access sa account kaninang 5:45 am ng Huwebes sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology.
Ayon kay PCG spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo natuklasan na ang ginamit na mga pangalan sa Facebook ay Fatima Hasan, Murat Kansu, at Vicky Bates na naitanggal na.
Nakatakdang magsagawa ng komprehensibong pagsusuri ng hardware sa lahat ng laptop ng opisina at mga computer na ginagamit ng mga taugan ng CGPAS ang CICC upang ma-access ang kanilang mga opisyal na platform ng social media upang palakasin ang pangkalahatang cyber security nito.
Commenti