Elaiza Lapuz. Pebrero 28, 2024
Litrato mula sa pna.gov.ph
Naglabas na ang Professional Regulation Commission (PRC) ng resulta ng mga nakapasa sa Mechanical Engineering Licensure Examination at Certified Plant Mechanics
Licensure Examination noong ika-27 ng Pebrero 2024.
Nasa 4,458 ang pumasa sa Mechanical Engineering Licensure Examination mula sa 6,770 na sumabak dito, at 65 sa Certified Plant Mechanics Licensure Examination mula sa 108 na ibinigay ng Board of Mechanical Engineering sa N. C. R., Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban at Zamboanga.
Sina Engr. Leandro A. Conti, Chairman; Engr. Jerico T. Borja at Engr. Lorenzo P. Larion ang nagbigay ng licensure examinations.
Mag uumpisa sa Abril 25, 2024 ang pagpaparehistro ng pagpapalabas ng propesyonal na pagkakakilanlan (ID) at sertipiko ng pagpaparehistro. ang mga nakapasa sa pagsusulit ay dapat na personal na magparehistro at mag-sign in sa Roster of Registered Professionals
Ang petsa at venue ng seremonya ng panunumpa ng mga nakapasang kumuha ng pagsusulit ay iaanunsyo mamaya.
Comments