Elaiza Lapuz. Pebrero 28, 2024
Litrato mula sa Ing Malugud
Nagtalumpati ang buthing alkalde ng Candaba na si Rene "Ing Malugud" Maglanque para sa mga bagong halal na Barangay Officials sa Candaba Pampanga noong ika-21 ng Pebrero 2024.
Tinalakay ng alkalde ang mga magagandang plano para sa ikauunlad ng Candaba, tulad ng pagbubukas ng Dialysis Center sa unang linggo ng Abril na kung saan prayoridad at libre ang mga Candabeños, pagtayo ng tatlong Bypass Roads na magkokonekta sa iba't ibang bayan at Candaba, at naidagdag din ang pagdonate ng isang Candabeños ng isang ektarya ng lupa sa Brgy. Pasig na kung saan ay ililipat doon ang bagong munisipyo kung papaboran.
Dahil sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng iba't ibang nanunungkulan ay mas maraming proyekto ang naibaba sakanilang bayan sa tulong ng nanunungkulan na kung saan ang nais ay mapa-asenso ang Candaba.
Comentarios