Alexandra Sagum. Pebrero 28, 2024
Litrato mula sa manilatimes.net
Nakatakdang pataasin ng Land Transportation Office (LTO) ang visibility ng mga traffic enforcer bilang pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada na sumunod sa batas trapiko.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na titiyakin ng mga enforcer na ito ang tamang pagkarga at pagbaba ng mga pasahero, ang pagiging eksklusibo ng mga bicycle lane at ang pagpapatupad ng iba pang mga patakaran at regulasyon sa trapiko.
Ang pahayag naman ni Mendoza ay patuloy na makikipag-ugnayan sa ating mga Local Government Units, Metropolitan Manila Development Authority at ang PNP upang tiyakin ang disiplina ng mga tao at panatiliin ang kanilang kaligtasan.
Comentarios