top of page

Panahong Hindi Maibabalik

  • niwrsm4
  • Feb 28, 2024
  • 1 min read

Samantha Paguinto. Pebrero 28, 2024

Litrato mula sa Forbes.India.com


Dating romantiko at tamis ng panahon ngayo'y nasan na? salitang walang

gawa na nga lang ba ang basihan sa panahon natin ngayon? pag sisibak ng kahoy at pag iigib napalitan ng teknolohiya na isang pindot lang ay kayo na.


Sariwang hangin naging mausok ng dahil satin, dahil sa sasakyan na hindi mapigilan na nag lilipana sa daan. Hindi naba natin maibabalik ang dating masarap na pamumuhay at walang pangamba kung anong kakainin bukas o sa makalawa.


Pati ang pag aaral ay nag iba ng dahil din sa teknolohiya, pag sisikap ng mga dating estudyante ay pinalitan ng isang pindot na kaalam sa telepono ng mga kabataan na hindi makapag sunog ng kilay dahil umaasa nalang sila sa artipisyal na katalinuhan.

Comments


2024 ParaKnows Corporation. All rights reserved

bottom of page