Alexandra Sagum. Pebrero 28, 2024
Litrato mula sa mb.com.ph
Nakita ng isa, narinig ng dalawa, pinasa sa tatlo at sinumbong ng isa. Sa panahon ngayon, maraming ng kumakalat na tao na daig pa ang radyo sa bilis ikalat ang balita. Mga balitang dulot ay maninira ng puri. Ang kanilang mata ay walang pinalalabas.
Kung balitang walang laman ang hanap, mahahanap mo ito sa mga nakatambay sa kalsada. Tinatawag silang Marites at Tolits sila ang mga taga pagbalita ng mga bagay na nakita nila sa lansangan. Hindi mapigilan ang makating dila na sabihin ang nakita. Hindi na inisip ang taong masisira, basta mawala lang ang kati ng dila. Makakita lang ng lalaki at babaeng magkasama agad nang ibabalitang magnobyo. At pagnakakita naman ng magnobyo na umalis ng gabi agad nang iisipan magtatanan na. Pati ang buhay ng iba ay pinakikialaman, basta matagal lamang ang kati. Hindi na pinag-iisipan ang mga binabalita, walang kaalam-alam na sa bawat gawa-gawa nilang kwento, sila ay nakakasira ng reputasyon ng kapwa.
Ang pagbabalita o pagtsi-tsimis ng walang pruwerba ay maitatawag na may makating dila. Ito’y naghahatid lamang ng perwisyo sa kapwa. Ang pagtanggal ng mapanghusgang mata ang iisang lamang sa mga lunas para sa makakating dila.
Comentarios