top of page
niwrsm4

Catch-up Fridays, Kailangan nga ba?

Agatha Pelayo. Pebrero 28, 2024

Iginuhit ni James Sombillo


Mayroong inilunsad na isang programa ang DepEd. Ito ay ang "Catch-up Fridays". Bawat pampublikong paaralan ay mayroong ginagawang mga iba't ibang gawain kada-Biyernes. Tulad ng pagbabasa, pag-aaral ng good manners and right conduct at paglalaro pero may aral. Layunin nito na hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa. Ang programa sa pagbabasa, batay sa mga kakayahan ng mag-aaral. Magbibigay din ito ng isang inclusive learning environment para sa mga mahihirapan magbasa.


Nakadisenyo ang Catch-up Fridays upang mapalakas ang foundational, social at iba pang mahahalagang kasanayan upang makamit ang hangarin ng basic education sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa kakayahan ng mag-aaral sa pagbabasa, critical thinking, analytical, at pagsusulat.

Kung magpapatuloy ang Biyernes ay magbibigay ito ng mga pagkakataon para sa mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang akademikong pagganap, partikular sa pagbabasa.


Sa aking pananaw, ito ay kinakailangan dahil ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na magbasa mahusay lalo na ang mga hindi mambabasa at hindi marunong bumasa at sumulat. Hindi lamang iyon ngunit makakatulong ito sa mga mag-aaral na matuto ng mga pagpapahalaga at mahasa ang kanilang mga personalidad.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page