Alexandra Sagum, Pebrero 29, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/21147c_f6132b33446e4bd980b2be5340408209~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_572,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/21147c_f6132b33446e4bd980b2be5340408209~mv2.jpg)
Litrato mula sa thishomemadelife.com
Pag sapit ng unang araw ng Pebrero, nagaganap ang isang masayang kapyestahan sa Bayan ng Candaba. Ito ay unang ipinagdiwang no’ng Pebrero 1 at 2 noong 1998. Ang mga Candabeños ay nag-oorganisa ng Ibon-Ebon Festival o “Birds and Eggs Festival”. Ito ay isinasagawa upang bigay parangal ang mga migratory birds, na isang mahalaga bahagi ng Pilipinas. Kaya ang pagdiriwang na ito ay isa sa pinaka hihintay na kapyestahan.
Mga parada, panlalawigan kumpetisyon sa pagkain at pagluluto, pagpapalipad ng saranggola, ay iilan lamang sa mga halimbawa ng na gaganap sa kapyestahan na ‘to. Ngunit ang tunay na pinaka hihintay ng mga Candabeños at ng mga dayuhan ay ang street dance competition na kinabibilangan ng imitasyon ng bird dance moves.
Ngunit ang makulay na Ibon-Ebon Festival, na nagdulot ng katanyagan sa Candaba bilang tahanan ng mga migratory birds mula sa iba't ibang bahagi ng mundo, ay itinigil ng lokal na pamahalaan. Nang maging mayor si Rene Maglanque ay pinatigil o pinaalis na nya ang nasabing kapyestahan. Marami ang gulat at na lungkot sa nabalitaang pagtanggal sa Ibon-Ebon Festival.
Dahil dito nabawasan ng mga dayuhan ang bayang Candaba at tila ba nawalan na ng kulay. Kaya sa palagay ko dapat itong ibalik sa dati, upang ito’y muling umakit na mga dayuhan. Dahil sa mga dayuhan na ito, ang ekonomiya ng Candaba ay daglian umaangat. At ang pagdiriwang dito ay isang paraan na rin upang magpasalamat sa magandang paghani ng mga magsasaka. Dapat itong ibalik bagkus ito lamang ang iisang festival ng Candaba at sa dito nakikilala ang ating bayan.
Ang Ibon-Ebon Festival, ay isang makabuluhang kaganapan sa Bayan ng Candaba, Pilipinas, na naglalayong pangalagaan ang mga migratory bird. Ang pinakasikat na kaganapan ay isang street dance competition na nagtatampok ng bird dance moves. Ang pagdiriwang ay pinagmumulan din ng kita ng lokal na pamahalaan, na nakikinabang sa ekonomiya at nakakaakit ng mga bisita. Ang kaganapan ay isang paraan upang parangalan ang lungsod at isulong ang kahalagahan ng konserbasyon.
Comments