top of page
niwrsm4

Ititigil na ba?

Alexandra Sagum. Pebrero 28, 2024

Litrato mula sa canadianinquirer.net


Nagagalit ang mga tagasuporta ng demokrasya dahil hindi dineklara ni Presidente Bongbong Marcos ang anebersaryo ng Edsa People Power Revolution ngayong taon; sa tingin nila ay ginawa ito para mabawasan ang kahalagahan ng People Power revolution.


Walang inanunsyo si PBBM ngayong taon, patungkol sa anebersaryo ng People Power Evolution. Ito na ang ikalawang taon na ang EDSA People Power Revolution ay ginugunita sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong BongBong Marcos, tila ba’y ayaw ibigay ng Malacañang ang oras ng araw. Ang araw na ito ay halatang nakakailang para sa Presidente. Noong nakaraan, inilarawan niya ang resulta ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986 - kabilang ang pagkatapon ng kanyang pamilya sa Hawaii; bilang isa sa mga pinakamadilim na araw ng kanilang buhay.


Ang EDSA People Power Revolution ay nagsisimbolo ng mga Pilipino na taos pusong nagkaka-isa para ipaglaban ang karapatan at kalayaan natin. Ito ay pinagdiriwang natin tuwing Pebrero 25. At ngayong taon na to ay hindi na ito na pagdiwang.


Ang pagdiwang ng EDSA People Power, ay naging isang tradisyon na sa mga Pilipino simula ng ito’y nag-umpisa ng taong 1989. Kaya ngayon ay maraming nadismayang Pilipino ng ito’y hindi dineklara ng pangulo. At isa na ako sa mga tao ka yun, dahil ang pag-bunyagi ng People Power Revolution ay isa na ring paraan para magpasalamat sa mga tao nagsakripisyo ng kanilang buhay, para makalaya sa mga kamay ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos. Ang pagdiwang din dito ay nagsisilbing pahinga ng mga tao. Ito rin ang nagsisilbing tulay, upang nagsama-sama at maka-isa muli ang Pilipino. Kaya talagang nakakalungkot ngayon dahil hindi ito na ipagdiwang.


Ang EDSA People Power Revolution, sa pangunguna ni Presidente Bongbong Marcos, ay isang makabuluhang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay sumisimbolo sa pagnanais ng mamamayang Pilipino na protektahan ang kanilang mga karapatan at kalayaan, na ipinagdiwang noong Pebrero 25. Ito ay isang makabuluhang kaganapan sa kasaysayan ng bansa, dahil ito ay isang paraan upang talakayin at ibahagi ang kanilang buhay sa mga tao, na humahadlang sa mga Marcos administrasyon mula sa pagpapatupad nito.

0 views0 comments

Comentários


bottom of page